Monday, March 18, 2013

Bakit patok na patok sa masa ang "Be Careful with my Heart"?

Milyong milyong Pilipino sa bansa at sa iba pang panig ng mundo ay nahuhumaling sa pang umagang teleserye na nagbibigay ng kilig, inspirasyon at katuwaan. Umaga palang, nakatutok na ang mga misis sa bawat tahanan, mga estudyante at manggagawa na nasa kanilang mga breaktime para abangan ang susunod na kabanata sa buhay ng atng masayahin at punong puno ng pag-asa na si Maya De La Rosa na ginagampanan ni Jodi Sta. Maria at ang pamilya Lim na pinamumunuan ng kanilang padre de pamilya na si Richard Lim na ginagampanan naman ni Richard Yap.

Bakit nga ba patok na patok sa masa ang teleseryeng ito?

Una, dahil sa kakaibang aura ng mga karakter. Sino ba naman ang hindi matutuwa kay Maya na pasan na yata ang buong mundo sa dami ng problema ngunit napaka masyahin at positibo parin ang mga pananaw sa buhay? Maituturin na magandang ehemplo ang karakter para sa mga kababaihan at mga anak na nagmamahal sa kanilang pamilya na dumaranas ng mga problema dahil sa kahirapan. Ang ugaling ito ni Maya ang naging susi para maging pasensyoso siya sa mga pinagdaraanan para sa kanyang pamilya. Ito rin ang nagustuhan sa kanya ng kanyang katambal sa istorya na si Ricardo Lim na tinatawag niyang "Ser Chief." Maging ang mga anak ni Richard sa istorya ay kakikitaan ng kakaibang spark tulad nila Jerome Ponce bilang Luke, Janella Salvador bilang Nikki at ang nakapa lovable na si Abby na ginagamapanan ng cute na cute na si Mutya Orquia. Yung bang tipong ang gaan ng impact nila pag pinanonood, talagang maaaliw ka sa kanila.

Pangalawa, dahil maraming pwede maka relate sa istorya sa kahit anong estado ng buhay. Ang mga Pilipino ngayon ay nakakaranas ng maraming isyu tulad ng kawalan ng trabaho at kung paano susuportahan ang pamilya. Si Maya ay isang probinsyana na nangarap magtrabaho sa ibang bansa ngunit siya ay nabigo. Pero ika nga nila, habang may buhay ay may pag-asa naman, blessing narin siguro yun dahil dito nakilala niya si Richard Lim na nagbigay sa kanya ng bagong pag-asa sa buhay ay mga pagtulong na di matatawaran para sa isang amo sa kanyang kasambahay. Sa kabilang banda, matututunan din sa istorya kung paano bumangon mula sa pagkawala ng isang minamahal sa buhay. Ang pamilya Lim ay naging madilim mula ng mamatay ang kanilang ilaw ng tahanan ngunit dahil sa pagiging biba at maalaga ng bago nilang yaya na si Maya, unti unting nag iba at naging mas makulay ang pamilya. Pati sa pagpapalaki ng mga anak na teenagers ay matututunan din sa istorya at mga karaniwang pinagdaraanan ng mga teenagers tulad nila Luke at Nikki.

Pangatlo, ang nakakakilig na loveteam nila Maya at Ser Chief. Minsan hindi ko maintindihan kung bakit marami ang kilig na kilig kay Richard Yap. Aminin na nating mejo may angat ang edad niya sa karamihan ng mga manonood ngunit hindi parin mapigilan ang mga kababaihan, teenager man or adult na hangaan ang aktor. Iba kasi ang tindig niya at dating, para bang pag siya ang naging nobyo mo, secured ka at aminin natin, gwapo naman talaga si Mr. Yap, macho na classy ang dating, pang prince charming kahit may edad na kumpara sa mga batang tagahanga niya. Si Jodi naman, magaling na siyang aktres dati pa, lahat na yata ng roles na challenging nasubukan na niya tulad ng pagiging kontrabida niya ngunit bakit dito siya mas minamahal ng mga tao? Siguro dahil dalang dala niya yung karakter, puno ng pag-asa.

Waging wagi din ito sa ratings na hindi matapatan ng taga kabilang istasyon. Ito din ang pinakaunang teleserye ng ABS-CBN na naka High Definition (HD). Napaka makabuluhan ng palabas na ito, sana mas maraming pang ganitong uri ng programa ang gawin ng mga istasyon ng media sa Pilipinas. -faf

1 comment:

Anong masasabi mo? (What can you say?)