Wednesday, October 27, 2010

Ang Pagbabasa at Ako

Ako ay isang taong mahilig magbasa. Palagi kong sinusulat sa mga slam books hanggang sa mga social networking site profiles na ito ang isa sa mga bagay na ginagawa ko kapag ako ay nababato, kapag may gusto akong malaman o kapag may mga tanong ako sa buhay na pwedeng mahanap sa mga teksto. Sabi nga nila na kapag mahilig ka daw magbasa malayo ang mararating mo kahit pa yung mga lugar na hindi kayang abutin ng mga paa. Sa tanong na “Ano ang paborito mong libro?” wala akong kayang isagot dahil para sa akin lahat ng libro may mga bagay na naituturo.

Elementary palang ako nagbabasa na ako ng mga Encyclopedia, kahit hindi ko maintindihan kasi malalalim ang Ingles eh ayos lang basta makapagbasa. Palagi nga akong may ribbon na “Best in Reading”, mabilis daw kasi ako natuto na magbasa. Binilhan din ako ng tita ko ng English-Tagalog na Diksyunaryo at tuwang tuwa naman ako. Pagka galling ko sa eskwelahan kinukuha ko kaagad yung Science Books series na binili ni Papa hanggang makatulog ako. Siguro yun nadin ang dahilan kaya hindi ako napag iiwanan ng mga lesson at kung minsan nga eh advanced pa kaya nakakakuha din ako ng ribbon na “Best in Science”. Mahilig din ako magbasa ng tagalong romance pocket books; yung tig 15php-50php na maninipis kaya bata palang ako nahubog na ako sa mga kwentong love stories. Yung mga dyaryo nga kahit patapon na at luma ay hindi ko parin pinalalagpas sa mga mata ko hanggat hindi ko pa nababasa.

Hindi naman ako mahilig bumili ng libro na mamahalin kasi nga wala naman kaming pera pero nakakapagbasa parin ako kasi minsan nakakahiram, sa library o kaya binibigay kaya sigur hindi ako mapili ng genre ng mga libro at kahit ano nalang babasahin ko talaga.

Maraming pakinabang sa pagbabasa at malaking parte na ito ng aking buhay.

-Flordeliz A. Fullo

1 comment:

  1. natawa naman ako sa sinabi mong nagbabasa ka kahit di mo naintindihan

    ReplyDelete

Anong masasabi mo? (What can you say?)